delayed reaction ito. dapat nung sabado ko pa ito pinost, kaso nakalimutan ko.
nung sabado, nag-iisip kami kung saan kami magle-late lunch. tinanghali ako ng gising kaya parang brunch na rin yun. ano na naman ba ang lulutuin ko? jollibee (baka sarado yung sa philfirst, di kami sure sa sched nun pag weekends eh). mcdo (pass muna, ito yung ever-reliable kainan pag ginagabi eh 24 hrs kasi). burger king (ang layo, hehehe). ano bang craving? maalat. gutom ba? oo.
* clouds clouds clouds *
gusto ko ng rodics tapsilog! (ang layo ng diliman!)
naalala ko na may nadaanan kaming rodics dati somewhere in makati. galing kami ng makati med nun, naka-kotse, may nadaanang one-way street (goodluck, maraming one-way street sa legaspi village). nadaanan din namin yun nung minsang nakataxi at papunta sa... somewhere. chet! ano ba yung street na yun? saan ba yun?
madali lang naman sigurong manggaling sa makati med at lakarin, suyurin lahat ng mga kalyeng tumatagos dun. kaso hassle. hehehe. tinawagan ko si ate. tinanong ko siya kung galing ng makati med, anu-ano yung mga street na dinaanan namin dati para makarating dito sa area namin. marami siyang sinabing streets. hirap namang suyurin lahat yun.
next solution: internet. google search: rodics makati. ahah! nasa salcedo street daw yun. san kaya ang salcedo street? nasan ba ang mapa ko ng makati? (may .jpg ako ng mapa ng makati pero wala yung mga little streets eh) grrr. wala sa map.
tawag uli kay ate. alam nya raw yata kung saan yung street na yun. sinundo siya ni mommy sa office niya (sa tapat lang namin) kaya kung gusto ko raw, ihahatid na nila kami by car dun. yay! yay! tapsilog! tapsilog!
natunton naman namin siya. nasa salcedo street nga siya. one-way street yun na madadaanan mo kung galing ka sa dela rosa street at lumiko sa may likod ng makati med.
yay! yay! tapsilog! tapsilog!
walang picture ng tapsilog kasi gutom na gutom. hehehe.
Comments
Rodics
Sa Adelantado St po ang Rodics, middle nang Salcedo and Amorsolo Sts.
hi jnne
elo po :)
natunton din namin siya at matagumpay kaming nakakain ng
yummy yummy tapsilog :)
sa may salcedo po ung rodics
sa may salcedo po ung rodics dito sa makati! =D
re: 1-way
hi swoosh. expert ka nga pala sa mga 1-way streets sa makati. :)
pwede rin tayong magrodics pag nasa diliman ako. hahaha.
napa-isip ka bang maigi dun sa iwas bots question? hayaan mo, later magiging calculus question na yan. hahaha. o kaya essay type. "Define Love"... mga ganung klaseng tanong. harf harf harf.
1-way
kakahilo talaga mga 1-way streets dyan. grrrr.. hehe. kain tayo minsan dyan sa rodics pag bumisita ako makati. :) ayan.. nagugutom tuloy ako... at teka.. bakit may math question field na para magcomment dito? hahaha... trick question ba to? :)) o iwas bots?