pagbaba ko sa mrt ayala station sobrang daming tao. napilitan tuloy akong maglakad sa labas, sa halip na sa loob sana ng sm. lakad, lakad, lakad. nang malapit na sa glorieta, may napansin akong ingay. ano ba yung maingay na yun? napansin ko na may bandang tumutugtog over there at may mga tao namang matiyagang nakikinig dun sa wirdong boses.... awshet! huwag mong sabihing...
sensya na at hindi nakakazoom masyado si treo kaya hindi sya kita (buti naman) sa pic na ito
lumapit ako nang konti. may poster kasi ng ayala tungkol sa mga weekly bands na magpeperform sa G4 live. una sa listahan, ang pamilyar na pangalan. siya kaya itong umaawit ngayon? ang liit naman kasi ng font. hindi klaro kung mar 11 yun o mar 17. teka. lapit pa ng konti (sa poster ha, hindi sa stage) ngakness! mar 17 nga! si kitchi nga itong maingay na ito! waaah.
umiral ang kashowbizan. sabi ko kukunan ko ito ng litrato dahil tiyak, ibablog ko na naman ito. biruin mo, sa dinami-dami ng matityempuhang banda, bakit naman siya pa? siya, na sobrang ayoko ang boses? siya, na ilang beses ko nang binlog dito at dito? hahaha.
pag alis ko, ang kinakanta nya ay yung tagalog song niya na hindi ko alam kung anong pamagat pero medyo malapit ang tono sa pinoy ako ng rivermaya (hindi yung sa pbb ha). sige nga, name that tune. on second thought, wag na lang pala. kasi hindi ko nga alam yung tamang sagot. oh well. basta, tagalog song iyon kaya naman obvious na obvious ang ka-aegisan niya. bilis, kelangan kong maglakad nang mabilis papalayo sa ingay niya. biliiiis!
Recent comments
22 weeks 2 days ago
29 weeks 3 days ago
51 weeks 5 days ago
1 year 2 weeks ago
1 year 3 weeks ago
1 year 7 weeks ago
1 year 11 weeks ago
1 year 11 weeks ago
1 year 11 weeks ago
1 year 12 weeks ago