once upon a time, noong nagko-Kom 2 pa si tinek, tungkol sa hair ang kanyang research paper. syempre may hidden agenda sya noon. yung crush nya kasi that time ay long hair. o diba, kaya naman inspired syang gawin yung kanyang paper. fineature din niya sa paper nya yung isang astig na prof na kalbo pero long hair (go figure!) at fineature nya rin ako.
yes. ako.
ang mumunting kontribusyon ko sa kanyang papel noon ay iyong isinulat kong "Alamat ng Fly Away Hair" or something. ewan kung may kopya pa ako nung "alamat" na iyon. syempre, imbento ko lang naman iyon kaya wala lang...
iniisip ko yan kanina sa traysikel. nagwonder ako. anong least common denominator kaya nung crush nya, nung astig na prof at ako? bakit kami ang napili nyang i-feature? yung crush nya, long hair. yung prof, kalbo na long hair. eh ako? what's so special about my hair?
ting! bigla kong naalala. kaya nga pala "Alamat ng Fly Away Hair" yung sinulat ko....
forever fly away kasi ang buhok ko eh.
noon, ngayon at magpakailanman (ala mel tiangco)... wala lang. nuninu.... magpa-rebond kaya ako?
[mood] hungry
[music] norah jones' sunrise
Recent comments
20 weeks 5 days ago
27 weeks 6 days ago
50 weeks 1 day ago
1 year 1 week ago
1 year 2 weeks ago
1 year 5 weeks ago
1 year 9 weeks ago
1 year 9 weeks ago
1 year 9 weeks ago
1 year 10 weeks ago