the fourth

Wed, 2009-12-30 14:51 — moowagirl

wala pa ring calla lilies. nakalimutan ko na nga na yun pala ang "demand" ko, naalala ko lang ngayon dahil sa pagbabalik-tanaw ko sa mga blog entries ko noong mga nakaraang taon...

maaga kaming nagising - Ama, Inay at Mo. nanood kaming tatlo ng The Big Bang Theory at tawang-tawang-tawa talaga kami. nerd couple talaga. nung attentive pa si Mo, ngumingiti sya pag tumatawa kami. nung medyo restless na sya, kinuha na siya ng kanyang yaya. si Yumi naman ay umiikut-ikot lang sa tiyan ko.

wala pa ring romantic getaway ngayong taon. di bale na. nag-day off ang mga yaya kaya naiwan ulit kaming tatlo para magbonding buong araw. pag tapos na yung download ng Big Bang, nagkukumpul-kumpol ulit kami sa kama, sa harap ng laptop. si Mo, nasa gitna, pilit pinauupo at pinabebehave. si Yumi (o ang tiyan ko) ay nakasandal lamang sa unan. pag wala pang papanoorin, laro muna ang buong pamilya. o kaya tulog.

noong dinner, sabi ko lumabas kami kahit sa simpleng fastfood lang. gusto ko lang lumabas (para masabing nagdate) pero bago pa makarating sa paroroonan ay pareho nang pagod. ako, dahil sa bigat ng tiyan at pababang pagsipa ng baby; siya, sa bigat ng batang karga (na for some reason ay ayaw maglakad). pag dating sa kfc, kahit na medyo tension is in the air na, napawi pa rin ito. dahil sarap na sarap si Mo sa mashed potato. priceless ang ngiting lumalabas sa kanyang mukha sa bawat subo. :-)

happy anniv, hub.
lubyoo to infinity and beyond.

kahit marami-raming KAWIRDUHAN ang pinagdaanan natin ngayon taon, lalo lamang napapagtibay ang pagmamahal ko sa iyo.