ayusin ayon sa pagkakasunud-sunod:
- performance appraisal season sa office at kinausap ni fairy godmother. dapat daw ay nasa radar ni big daddy, dahil kahit yung mga nasa star circle ay nagkukumpitensya para magkaroon ng sariling soap opera.
- nabadtrip dahil kung normal ang kumpanya, wala na dapat star circle considerations. sabi mo (sa sarili mo lang), as long as maayos magtrabaho ang empleyado, dapat may increase sa sweldo. hmp sila.
- nag-update ng resume.
- nagjobhunting sa jobstreet.
- nagpunta sa technopark at nag-exam, nagpainterview sa hr at nagpainterview sa young boss. stay tuned daw sa next interview kay boston boss.
- naghintay.
- somewhere along the way, biniro si fairy godmother na nasa early stage ka na ng application somewhere else. sabi niya, sabihan daw sya kung may updates at huwag lamang kapag nakapagpamedical na sa lilipatan.
- halos nauubusan na ng pag-asa dun sa inapplyan kasi hindi sumagot dun sa follow-up email mo.
- tumawag si hr girl at inischedule ang interview with boston boss.
- hindi naging productive maghapon, iniisip kung paano sasabihin kay fairy godmother.
- hindi natiyempuhan si fairy godmother, dumiretso na siya sa meeting kaya bumaba na at bumili ng gamot ni Mo. pero iniwan ang gamit sa office para walang mabigat na bitbit papunta sa mercury.
- habang naglalakad papunta sa mercury, nagsabi ng mumunting dasal na, "kung meant na kausapin ko si fairy godmother ngayon, dapat makausap ko siya pag kinuha ko na ang bag ko."
- but no! pag balik sa building, nakasalubong si fairy godmother na pauwi na, kalalabas lang ng elevator.
- kaya naman sinabi na.
- kesyo bpo. kesyo night shift. kesyo kung anu-ano pa.
- hindi daw nakatulog si fairy godmother. sabi niya sasabihin niya kay big daddy ang tungkol sa promotion.
- nagpumiglas. sinabi na hindi mo naman sinabi iyon sa kanya dahil dun.
- hindi nga raw. part naman ng plan niya iyon. star circle ka man o hindi. o sige na nga, pero obvious kung ano yung trigger.
- gumawa ng memo si fairy godmother para ipresent sa board.
- nagmeeting ang board.
- kasalukuyang nagmimilking cow sa cr.
- ate tina: "ma'am moowagirl, pinapatawag ka ni big daddy."
- "huwaaaaaaaat?!" at buti hindi nahulog ang milking gadgets.
- naglunch out si fairy godmother kaya napilitang magpakita kay big daddy kahit na "wala ang lawyer ko"
- big daddy: "Congratulations, you have been promoted."
Comments
operation green bag...
dapat pala binigyan mo kami ng go-signal para i-resume ang operation green bag... hahaha :)) maraming kinahahantungan ang bag na naiiwan sa office. hahaha ;) congratulations?? :) maglunch tayo ulit at may kwento rin ako tungkol sa big daddy...kaso wala akong fairy godmother... kelangan ko ata magwish upon a star... :p
-swoosh
maramara
hahaha. salamat sa blog mo, updated pa rin ako sa buhay mo. hehe - michi