new year, new gimik.
anong bago ngayong bagong taon? wala naman masyado. nag-aattempt lang maging fit. hindi kasi nawala completely ang aking preggy tummy. si hub naman, gusto na rin maging fit. ang solusyon namin: wiifit. woohoow!
what a nice way to start the year. kunwari fitness buffs kami. fun naman yung mga exercises. kahit yung basic step exercise or running lang, cute na yung interface, nakakapagod pa (o dahil siguro hindi talaga ako fit). isa pa, kung sa tunay na buhay ay hindi ako makapaghula hoop, at least sa wiifit, nagagawa ko ito. hehehe. sumuko na nga lang ako sa push ups. hindi talaga yun kaya ng powers ko. siguro through time, pag unti-unti na akong nagiging fit.
sabi ko kailangan kong maalis ang preggy tummy ko. akala ko dapat akong magbawas ng timbang. pero sabi ni wiifit, with all the body mass index calculations, kailangan ko pa palang bumigat. dapat ma-tone ang mga muscles. okay naman din. pag mas fit na ako, mas hindi ako mapapagod magbitbit kay Mo at bilang paghahanda na rin sa kanyang crawling, walking at running stage, dapat alert, alive, awake, enthusiastic din ako para magabayan siya.
sana lang mapanindigan ko.
Comments
hehe
may pilates module ba yan?? :)))
panindigan mo!! :)