ano nga ba ang kakaiba ngayong paskong ina na ako?
una, ang saya gumawa ng gift tags! pinagsuot namin ng santa costume si mo one morning (habang alert, alive, awake, enthusiastic pa siya) at nagpicture-picture. ginawa kong digital scrapbook-style ang gift tag at pina-print sa netopia. mas masarap tuloy mamigay ng regalo, knowing na napapangiti (at nanggigigil) ang mga receiver ng regalo dahil sa cute na cute na picture ni mo sa gift tag.
pangalawa, excited akong magbukas ng regalo ni mo. hehehe. nakakatuwa yung mga clothes, toys and socks na nakuha niya. excited akong ipagamit o ipasuot o ipalaro ang mga iyon sa kanya. excited din ako na next year, siya na ang magbubukas ng sarili niyang regalo (at malamang siya rin ang magbubukas ng mga regalo na para sa ama't ina niya).
syempre, ngayong pasko, nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan Niya kami ng aming Mo toy. sana po'y mapalaki namin si Mo ayon sa loob Ninyo, amen.
Comments
:)
awwww... cute tlaga ni Santa Mo. :)