Kumukutikutitap
(Music: Ryan Cayabyab - Lyrics: Jose Javier Reyes)
Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang indak ng mga bumbilya
Kikindat-kindat
Kukurap-kurap
Pinaglalaruan inyong mga mata
Iba't-ibang palamuti
Ating isabit sa puno
Buhusan ng mga kulay
Tambakan ng mga regalo
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Huwag lang malundo sa sabitin
Pupulupot-lupot
Paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin
Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa't guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan
Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan mo pa ng palarang bituin
Comments
Eskoses - Scottish cloth (Plaid style)
Eskoses is a type of plaid clothing used mainly by Scottish Europeans. From the Spanish word Escocia = Scotland.
definition ng eskosesa
hi anonymous. good news!
napadpad ako kanina sa national bookstore at naalala kong tignan dun sa malaking tagalog-english dictionary kung ano ang eskosesa: scottish plaid cloth daw sya.
hmmmmn.
merry christmas!
eskoses
ano ba ang meaning ng "ESKOSES"?
sorry ha di ko maintindihan e!
Sana....
Sana nilagyan nyo po ng chords!!! para maganda! hehe! nid lang po tahnk you po sa pag aksyon!!! hehe!