koreanovela alert: princess hours

Sat, 2007-03-10 14:34 — moowagirl

dahil walang smallville at naruto this weekend, at wala naman kaming balak manood ng sine sa sinehan, nagpasya akong magtingin-tingin ng mapapanood na koreanovela sa youtube. tinignan ko yung princess hours dahil noon ko pa naririnig iyon sa ate at sa pamangkin ko.

ewan ko kung tapos nang ipalabas yung buong series ng princess hours sa abs-cbn, pero nasa youtube din yung mga tagalog-dubbed na episodes. pero hindi iyon ang pinanood ko. shempre, kelangang maexercise ang subtitles reading skills. game.

kaso putol yung simula. bahala na. kaya naman ng powers na hulaan kung ano ang mga pangyayari dun sa first 20 minutes nung episode 1. kaso hanggang episode 8 lang yung nakita ko. oh well. okay na rin naman. para hindi MASYADO maadik. later na lang yung mga kasunod, pag nagka-oras na ulit. tinext ko rin si ate kung meron siyang episode 1. sabi niya buong series daw, ipapahiram niya sa akin. buti kamo at hindi niya today binigay sa akin. kundi (1) wala ang blog entry na ito dahil manonood ako at (2) baka pareho kami ni hub na hindi makasubmit ng mga submittables. eh yung 8 episodes nga lang sa youtube, inabot kami ng 7am sa kakapanood. (in fairness, may nira-run siyang program niya).

so heniwi. dahil ayaw ni hub na maubos pa ang oras niya, binasa na lang niya yung summary ng princess hours sa wikipedia. ayun, happy ending, as usual. pero syempre gusto ko pa rin panoorin. hintay na lang kung kelan idedeliver ni ate dito yung bossdeebeedees.

aja! fighting! hehehe.

[music] 80s music from soundpedia