.jpg)
kagabi, sinimulan kong panoorin ang my girl. isa itong koreanobela, at tulad nang dati, si ate ang aking main source ng complete boss-dee-bee-dee collection nito.
okay naman siya. naaaliw ako sa mga main character ng mga koreanobela dahil mukha silang cartoons. as in. minsan, naiisip ko ring pumunta ng korea para lang makapagsuot ng mga parang pangcartoons lang na damit.
dahil naabutan ako ni hub na nanonood nito habang hinihintay siya for dinner, eh di nakinood na rin siya sa akin habang nagdidinner. shempre, binigyan ko siya ng short background ng story (episode 2 palang kasi ako nun).
hindi ako mahusay magmemorize ng mga pangalan ng tao, lalo na kung korean names, kaya naman ang kwento ko sa kanya tipong, "so tumira yung girl dun sa villa nung mayamang lalaki"... o diba, puro pangngalang pambalana. eventually, nakadevice ako ng mga pangalan nung mga characters: sa picture sa itaas, heto sila (left to right):
long-haired smokey manaloto, ate glow, lalaki, girl, orochimaru (as in yung nasa naruto) at lana lang (ng smallville). all-star cast pala ito!
sa picture na ito, mas kita ang orochimaru at lana lang resemblance:
heto nga pala si orochimaru:
sensya na. wala lang maiblog. babalik na lang ako sa panonood. hehehe.
*update*: if you want to read the
COMPLETE SUMMARY AND SPOILERS OF MY GIRL, click the link.
Comments
bah, demanding. punta na
bah, demanding. punta na lang tayo ng korea, bili ka ng shirt na ganun. :)
or better yet, ituloy na natin yung pagpunta natin sa 168 (mas feasible yun e) hehehe. dami rin namang korean stuff dun. hehehe.
ung smiley logo sa tshirt nila ...
ay logo ng "have a nice day" album ni bon jovi!!! hehehe... bawal! akin lang yun. hahahahahaahhaha .... :))))