may kakilala ka bang CS o Engg na taga-UP o kaya Mgmt. Engg ng Ateneo? kung meron, itanong mo ito sa kanya: bespren mo ba si Leithold?
aktwali, hindi ko alam kung anu-anong kurso pa ang gumagamit ng TCWAG (nung panahon namin), TC7 (nung panahon ng mga estudyante ko) o kahit yung College Algebra and Trigonometry (na ginagamit nga pala sa College Algebra ... duh, moowa, obvious ba?... at kahit ng mga kabataang nasa mataas na paaralan - hello, enrichment babies ko)...
eniwei. bago ako tuluyang lumihis sa aking paksa...
maraming kabataan, lalo na yung mga nakipagsapalaran at dumugo sa calculus, ang nakatikim ng bonding moment kay Leithold. ako, naranasan ko yun sa math60series. "trying hard" ako noong magsagot ng mga problema sa libro. eh kaso, dapat pala, lahat ng problema, lalo na yung mga nasa dulo, ang sinasagutan. shorkat lang kasi ang ginagawa ko dati. pag nagawa ko ang numbers 1-5 (odd numbers lang ha, para may sagot sa likod) akala ko, solb na ako. wehe. meron din namang mga panahon na gusto ko na lang ibalibag si tcwag (uy, rhyming) lalo na pag exams. syempre, nung naging guro na ako, cloze na talaga kami ni leithold. kasi dapat kahit papaano maintindihan ko sya para may mai-adlib ako sa mga estudyante...
gayumpaman, hanga naman talaga ako kay leithold. wala ako masyadong pakialam sa kanya dati (kahit palagi ko syang bukambibig dati pag nagbibigay ng assignment) buti na lang, naiforward sa akin mula sa UPMC yahoogroups ang balita tungkol sa pagpanaw ni leithold kamakailan. feeling ko tuloy, kilala ko na sya personally. wow. cloze talaga.
ginoong leithold, saan ka man naroroon, maraming salamat po.
basahin ang artikulong His Math Text Was the Standard, His Touch in Class Exceptional tungkol kay aydol leithold.
Comments
maraming salamat kay leithold
salamat sa'yo leithold. kung nasan ka man ngaun leithold, sana patuloy parin ang iyong paggawa ng libro tungkol s math