what? one year ago na ito?
happy, happy anniv, hub!
calla lilies ko ha! hehehe.
kung paano kami nagdiwang -->
masyadong unpredictable ang schedule namin nitong linggong ito. deadma na lang sa mga pabook-tayo-sa-hotel, gusto-mo-magcorregidor, dinner-kahit-saan-basta-mall-of-asia plans na pag pinaplano ko dati ay dinedeadma ako. mas gusto raw kasi niya ng impromptu. homf.
dahil nga unpredictable ang mga pangyayari sa paligid-ligid, ang demand for the day ko na lang ay pumunta't magdasal sa
nsdg (tsaka dinner somewhere... tsaka coffee stickers... tsaka... at saka...) corny namang pumunta ng nsdg kung sarado sya. eh alam ko may 6pm mass doon (i should know, panic galore ako sa car habang nakikinig sa 6pm mass noong
wedding day) at shempre, posibleng may wedding ng 7pm, kung meron ngang couple na kumuha ng slot na iyon.
dahil nga unpredictable ang mga pangyayari (ang kulit ko ba?), 7:30 na kami nakarating sa nsdg. sobrang mababadtrip talaga ako nun kung sarado na siya. buti kamo may 7pm wedding nga!
woohoow! picture taking lang kami sa harap/gilid ng church, pero nung tumigil kami sandali para sa litratong ito:

nagulat ako. si father vic yung pari!
nakinig muna kami sandali sa mass (offertory nung dumating kami kaya tapos na yung mga i do-i do) pero shempre ito ang message of the day ko (shempre natrigger ang tear glands):
Look upon [name of bride], your daughter, now joined to [name of groom], her husband in marriage. She asks your blessing. Give her the grace of love and peace. May she always follow the example of the holy women, whose praises are sung in the Scriptures. May her husband put his trust in her and recognize that she is equal and the heir with him to the life of grace. May he always honor her and love her as Christ loves his bride, the Church.
ahemmmmm....
tumambay na lang kami sa side ng church, hinintay matapos yung mass, at habang nakikinig sa sevenfold blessing ay nagplano kung saan kakain ng dinner. greenbelt 3 ang napagdesisyunang lugar para wala nang transpo gastos pauwi. but
where there? where there? naglalakad kami nang mapadpad kami dito:

Power Mac Center, Greenbelt 3
grabeh!!! (yun lang ang masasabi ko)
btw, we're accepting donations para magkaroon ako ng MacBook na 13.3" (white) at yung 30" Flat Panel naman na monitor ang gusto ko sana para kay hub (kaso monitor pa lang ba yun?)
*beautiful eyes, beautiful eyes*
.
.
.
.
*beautiful eyes, beautiful eyes*
so heniwei...
sa fuzion kami kumain ng dinner: yummy seafood pasta (crab fat yung sauce, yummeh), grilled chicken salad (grilled chicken w/ strawberries in vignarette dressing) and very bery strawberry smoothies (na sinusungayan ko sa pic, hehehe)

muntik ko siyang mayayang manood ng judy ann movie, yung kasal, kasali, kasalo. pero hindi natuloy (at ok lang kasi nakuwento na iyon sa akin ni ate).
hindi man ako nakatanggap ng calla lilies dahil hindi raw available sa mga flower shops na nadaanan niya sa glorietta (hub, dapat kasi sa san ramoune, palaging may nakadisplay na calla lilies dun), okay naman ang aming naging first year anniversary celebration.
wuvyoo, hub.
[mood] senti
Recent comments
21 weeks 4 hours ago
28 weeks 20 hours ago
50 weeks 3 days ago
1 year 1 week ago
1 year 2 weeks ago
1 year 5 weeks ago
1 year 9 weeks ago
1 year 9 weeks ago
1 year 9 weeks ago
1 year 10 weeks ago