
huling exam na bukas. excited na akong matapos ang exam para wala na akong ibang aalalahanin kundi thesis. (huwaaat dat?) bah, ang laking kaguluhan sa utak nitong pinasukan kong subject this sem. in fairness, marami naman akong natutunan, at shempre, nanumbalik yung pakiramdam ko noong undergrad ako: hindi ko siya naiintindihan pero sige, mag-aattempt pa rin akong makalikom ng partial points. hay, proving talaga. nahahasa ang aking adlib-ing and guessing skills.
nagtext kanina si PhD classmate. kumusta na raw ako. (akala siguro niya malakas ang loob ko dahil hindi ako nagparamdam na makisali sa study group... ang totoo, tinatamad lang akong magbiyahe nang malayo). ang sagot ko, "eto. kanina nagpapanic. ngayon ewan ko. denial stage na ata. hindi ako ibabagsak ni [name of teacher]... hindi ako ibabagsak ni [name of teacher]..."
sabi niya parang chant daw. sabi ko, oo chant yun. baka sakaling pag inulit-ulit ko magkatotoo nga.
ngayon na-realize ko, dapat pala specific ang chant ko: bibigyan ako ng uno ni [name of teacher]... bibigyan ako ng uno ni [name of teacher]...
yup. positive thinking ang tawag dyan. thinking is greater than zero. therefore nag-iisip ako.
bibigyan ako ng uno ni [name of teacher]... bibigyan ako ng uno ni [name of teacher]...
[mood] i will think positive (nonnegative, nonzero) thoughts
Recent comments
21 weeks 6 days ago
29 weeks 5 hours ago
51 weeks 2 days ago
1 year 2 weeks ago
1 year 3 weeks ago
1 year 6 weeks ago
1 year 10 weeks ago
1 year 10 weeks ago
1 year 10 weeks ago
1 year 11 weeks ago