dahil paikut-ikot ang tsubibo

Fri, 2005-02-18 13:16 — moowagirl

ano kayang tawag dun?... a) deja vu? b) periodic function? c) tradisyon? d) sumpa ?

nangyari na ito. kumanan ang ikot jeep mula sa gilid ng educ. nakita ko tuloy ang full view ng makalat na sunken. naisip ko, "uy! fair pala!" tumigil ang jeep sa may vinzons. either bababa ako ng ikot para lumipat sa pa-philcoang jeep or nandun pa rin ako sa ikot jeep. from afar, sisilip ako sa mga kung anik-anik sa sunken. tapos maaalala ko na naman. eksaktong mga salitang iyon at iyon lang din naman.

"sa tinagal-tagal ko sa up, never pa akong nagpunta sa fair..."

ngayong taong ito, hindi ko na bibilangin kung ilang fair na ang hindi ko napuntahan. hindi ko na bibilangin kung ilang beses akong napadaan na sa vinzons at nagulat na fair pala, maaalalang hindi pa ako pumupunta sa fair, ever, tapos aalis din naman.

nuninuninuninu.... in fact, ayoko na nga yatang pumunta sa fair. ever.

ayokong masira ang record ko. ayokong masira ang tradisyon ko tuwing feb.

ayokong kumawala sa sumpa.

[mood] contemplative