work

Mon, 2009-06-22 21:02 — moowagirl

sumisigaw ka
lahat sila bingi
ayaw mo na
wala silang paki

eto na naman ang tsubibo sa trabaho. paikut-ikot at walang katapusan. sabi mo ayaw mo na. irrelevant experience ang nakukuha mo rito. kahit pa minsan feeling mo tumamatalino ka sa ginagawa mong "rocket arithmetic" sa loob-loob mo'y wala naman itong kahalagahan sa resume mo. pag nag-apply ka sa ibang kumpanya, kurso pa rin ang titignan nila. shet, hindi ka accounting, hindi ka business ad, hindi ka econ. wala kang lugar sa mundo nila (as if!).

so bakit hindi ka na lang magbitiw? hindi pwede kasi naunahan ka na. hindi pwede kasi kelangan mo ng pera. hindi pwede kasi sadyang hindi ka pwedeng lumigaya sa trabaho at isa itong sumpa na dapat mong bathin. for life.

may nakikinig ba sa reklamo mo? may silbi pa bang magreklamo at all?

wala. magblog ka na lang.

Mon, 2009-02-16 03:20 — moowagirl

ayusin ayon sa pagkakasunud-sunod:
- performance appraisal season sa office at kinausap ni fairy godmother. dapat daw ay nasa radar ni big daddy, dahil kahit yung mga nasa star circle ay nagkukumpitensya para magkaroon ng sariling soap opera.
- nabadtrip dahil kung normal ang kumpanya, wala na dapat star circle considerations. sabi mo (sa sarili mo lang), as long as maayos magtrabaho ang empleyado, dapat may increase sa sweldo. hmp sila.
- nag-update ng resume.
- nagjobhunting sa jobstreet.
- nagpunta sa technopark at nag-exam, nagpainterview sa hr at nagpainterview sa young boss. stay tuned daw sa next interview kay boston boss.
- naghintay.
- somewhere along the way, biniro si fairy godmother na nasa early stage ka na ng application somewhere else. sabi niya, sabihan daw sya kung may updates at huwag lamang kapag nakapagpamedical na sa lilipatan.
- halos nauubusan na ng pag-asa dun sa inapplyan kasi hindi sumagot dun sa follow-up email mo.
- tumawag si hr girl at inischedule ang interview with boston boss.
- hindi naging productive maghapon, iniisip kung paano sasabihin kay fairy godmother.

Fri, 2008-12-05 14:09 — moowagirl

nerdy muna.
read this from Farnsworth's Econometrics in R:
"R is much more more flexible than most software used by econometricians because it is a modern mathe-
matical programming language, not just a program that does regressions and tests."

shempre hindi ko maiwasang mag-"yeeeeeeeeeah!!"

Tue, 2008-08-12 22:30 — moowagirl

nasa kalagitnaan kami ng meeting with the boss kaninang mga 7pm sa opisina. nakahawak talaga ako sa tiyan ko kasi medyo magulo si Mo, at inaayos ko yung "cover" ng aking pop-up button. biglang-bigla, may umusbong na something sa kaliwa ng pop-up button ko, hinawakan ko ito ng aking hintuturo, at naramdaman kong parang kasing laki ito ng pimple. pagkalipas ng mga isa o dalawang segundo, lumubog ito.

shempre sumigaw ako ng, "yaaaak!" oo. sa kalagitnaan ng sentence ng bossing ko, sa kung ano mang instructions nya para bukas, ang sabi ko, "yaaaak!" at shempre kinuwento ko na yung weird experience - kung paano ko naramdaman ang pagpindot/pagpoke ni Mo.

"baka kamay niya or tuhod," excited na sinabi ni bossing.
"ma'am hindi, masyadong maliit. parang pimple lang."

at dun ko na narealize na daliri yun ni Mo. awwww....

o ayan eds, nagpakitang-gilas na si Mo, hinahanap mo kasi nung Friday yung kamay nya e. hehehe.

Thu, 2008-07-31 04:44 — moowagirl

anong gagawin mo kung ayaw mo na?
anong gagawin mo kung hindi mo makitaan ng sense ang pagpasok araw-araw - maliban sa sweldo. sweldo ngayon at sa inaasam-asam na dalawang buwang bakasyon. sweldo tapos ano? nakakatulong ba ito pamparami ng years of experience? apparently, hindi. dahil gusto ng mga bangko, may banking experience. pamparami ng programming experience? huweno ngayon? gusto mo bang maging programmer? so anong point? bakit mo ginagawa ang ginagawa mo? bakit ka nasa gitna, hilaw na financial analyst at hilaw na programmer? bakit ka nandyan sa kasalukuyan mong kinalalagyan? bakit ka nagpapastress sa bagay na ayaw mo?

sabi nila phase na naman ito. mga cry-yourself-to-sleep phase na umuulit halos every three weeks. at least ngayon absent ka. pero gumagawa pa rin ng work-related spreadsheet "activity". pag umulit pa ba ito in three weeks, may printout ka na kaya ng mahiwagang R letter?

Sun, 2008-06-08 16:58 — moowagirl

i was browsing the net for some resources on operational risk to help improve the design of the opsrisk system i'm doing at work. *had to delete evil officemate thoughts* anyhow, i came across this (from wikipedia)

Intangible risk management identifies a new type of risk - a risk that has a 100% probability of occurring but is ignored by the organization due to a lack of identification ability. For example, when deficient knowledge is applied to a situation, a knowledge risk materializes.

uh, knowledge risk? ang dami nito sa amin ah!

Wed, 2008-05-28 00:00 — moowagirl

it was noontime, mid-week and all i could think of for lunch was the taste of tomatoes. so off to joey pepperoni (around two blocks from the office) i went by my lonesome. mmm, tomato soup, mmm...

the tomato soup itself was very pleasant and "soothed" my craving. however, i made the mistake of ordering some rice meal and silly me, i only read the "juicy steak" part. the platter came with a hamburger steak on it. ulk. for some weird reason, my tummy "rejects" any kind of burgers (well, except burger king burgers). i could eat burgers but my ulky-burger-burp would haunt me for the next two hours or so, making me guilty (repent might be a better term) for eating it in the first place.

so while i was happy with my joey pep tomato soup, i knew i'd get hungry a few minutes later because i only finished half of the burger steak. on my way back to the office, i passed by good ole seven eleven to seek uh, happy food.

i got my goodies and happily marched to the counter, where i noticed the pretty yellow bananas. i asked the counter guy to get one for me. counter guy gets a banana, then noticing the cheez wiz and maybe feeling concerned, he asked, "ma'am sky flakes?" i politely said no, because i still had sky flakes in the office. he then asked if i wanted a hotdog. hmmn. he probably thinks these goodies are all that i will be having for lunch. hindi ano, dessert lang ito! :-)

Thu, 2008-03-20 12:03 — moowagirl

pagkatapos iassess ang sarili noong isang lunes, matapos timbangin kung alin ba ang mas masakit - ulo o tiyan - nagtext na ako sa aking bossing. quarter to 8 iyon (naks, gumising pa ako nang maaga para lang magtext at magsabing hindi ako papasok).

text ko kay boss: hey mam! will be absent today. weird tummy.

promise, di ko kasi madescribe (well, kaya naman, kaso sobrang haba naman ng message ko nun) yung kakaiba sa tiyan ko. parang constipated na bloated at nasusuka at bumibigat. oo, bumibigat. masakit yung top-end ng semi-circle ng tiyan ko. parang nasestretch yung balat at nabibigatan. ewan. plus, shempre, parang wala na rin akong ganang pumasok sa office. (o sige na nga, hindi lang "parang".) pero alangan namang itext ko lahat yan.

nuninu... ang tagal magreply ni bossing. parang isang oras pa ata bago tumunog ang cellphone ko. at ang kanyang makapagbagbagdamdaming reply ay...

Sat, 2008-03-15 12:17 — moowagirl
oh no. i think i've been too involved in my office work. did this test really give "Statistics" as the first answer? tsk tsk tsk. i think i really need to job hop again.
Your Scholastic Strength Is Evaluating


You are great at looking at many details and putting them all together.
You are talented at detecting subtle trends, accuracy, and managing change. You should major in: Statistics
Speech
Conflict studies
Communication
Finance
Medicine
Wed, 2007-10-10 10:40 — moowagirl

caution: ang mga sumusunod ay hango sa tunay na buhay at hindi (ano ang nasa dako paroon) bunga ng malikot na pag-iisip, likha ng balintataw, o halaw sa isang uri ng kababalaghan, di kayang ipaliwanag, ngunit alam mong nagaganap...

dear tita charo,
sa ikalawang pagkakataon, nakita ko na lamang ang aking sarili na sumasagot sa tanong na, "paano basahin yan?" hindi naman mind-bending yung sagot. kelangan lang mag-inhale, exhale, gamitin ang yes-i'm-tutoring-a-grade-school-student teacher voice at sabihin (habang itinuturo ang mga grupo ng numero), "hundreds... thousands... millions... billions... trillions"

kaso nga lang, hindi ako nagtututor. office setting talaga. pramis. kahit ilang beses pa akong magpikit-dilat.

grabe na itetch. sana may power akong idement ang mga ganitong taong natatakot gamitin, kahit katiting lang, ang kanilang baka-kasinlaki-ng-epsilon na utak. baka natatakot magasgasan at tuluyang maubos.

pero, tita charo, pwede mo bang ipaliwanag sa akin... what the hell are they doing in a financial institution if they cant even READ a big number? trillions pa lang yan ha!

love,
moowagirl.

Syndicate content