wishlist

Thu, 2008-12-11 10:29 — moowagirl
panahon ng kris kringle sa opisina at para sa final gift-giving na worth PHP150, bawat isa ay pinaglista ng wish list (na nakatemplate pa talaga ng excel). heto ang sa akin:
Tue, 2008-07-01 14:30 — moowagirl
dati may mga panahon na napressure akong gumawa na ng wishlist para kay Mo. sabi ko maglilista na ako para mabudget na at para pag-July na, pwede na kaming mamili. akala ko dati matagal pa ang july. grabe, heto na siya ngayon, nananakot. dalawang buwan na lang daw, nanay na nanay na ako.

ano nga bang wishlist ko para kay Mo, bukod sa obvious na obvious (?) na guitar hero III for wii? hehehe.

dati gusto ko ng jungle theme. yung mga clothes, crib, beddings, bottles, first few toys nya dapat sana'y umiinog sa jungle theme. ang dahilan: gusto ko siyang maexpose sa iba't ibang uri ng hayop. para naman hindi cat and dog lang ang alam (ako yun eh). ang kaso, nagustuhan namin si pengo crib. penguin ang design niya.



so sige, sige. scratch na muna si jungle theme kasi wala namang penguin sa jungle. madagascar theme na lang. smart, diba.


noong sabado, umuwi si hub para hakutin yung mga items na padala ng mga relatives para kay Mo. pinakuha ko talaga iyon bago kami magsimulang magshopping para walang madoble at masayang. clothes galore pala ang mga padala. grabe. tuwang-tuwa ang moowagirl na magtingin ng mga baby clothes (kahit na hindi pang-girl). cute na cute pa rin naman. nung nasa batch ng new-born clothes na yung tinitignan ko (mga tie-sides), di ko maiwasang maluha. in just a few more weeks, may magsusuot na nitong mga cute-cute na ito. at anak ko siya. awww...
Mon, 2008-03-10 05:02 — moowagirl

PhotobucketThis is what the packaging says: The first maternity accessory that allows you to wear your non-pregnant girl clothes a little longer, fun maternity outfits a little sooner, and hold up any belly style that falls down around your hips.
Just slip this band at your waistline (over unbuttoned pants or baggy maternity wear) and feel the nice, snug, smooth fit instantly.

i first (over)heard this accessory from my preggy officemate. since we weren't that close, i couldn't ask her the details. i just went around glorietta and found one at Havin' a Baby. and yes, this was what the packaging said. of course, i wasn't convinced. unbuttoned pants? how many steps can i take before it falls off? ugh. i decided not to the belly band.

two maternity pants later, i was still running out of pants/skirts to wear at work. hmf. as much as i would love to go on a shopping-spree (with hub's consent too!), i'd really rather save money to be able to buy Mo's (our baby's temporary name) gadgets like crib, stroller, sterilizer... oh, don't get me started on the things-i'd-like-to-buy-for-Mo list! ;-) anyways, i went back to that store to look at the belly band again. the sales girl convinced me to try it on, and lo and behold! the unbuttoned pants really wont fall off! :-)

Thu, 2006-11-02 08:21 — moowagirl

was blog hopping again (what else is new??) and i came across this interesting elvis picture. [clarification: i'm not an elvis fan]. what makes it interesting is that it's a post-it mosaic!!! coooooool!!!

post-it mosaic instructions are listed here. i want to try this. someday, someday...
Sat, 2006-10-28 17:24 — moowagirl

napag-utusan po ang inyong lingkod na bumili ng regalong barbie para sa pamangkin namin. may partikular na "barbie series" na kinukumpleto ang bata, kaya bago pa man pumunta ng toy kingdom, alam ko na kung alin ang hahanapin. china, thailand or vietnam barbie, na basta mahaba ang buhok.


humn. i had this old-school feeling na lahat ng barbies mahahaba ang buhok, iba-iba lang ang length. (huh? malabo ba ako?)


pumasok ako sa unang toy shop (mas malapit ito kesa sa toy kingdom) at dumiretso sa barbie area. susunud-sunod ang sales guy at feeling ko pinepressure nya ako. "ma'am panregalo po ba?" me: fighting the urge to answer, "no, para sa sarili ko. i want a barbie!" di ko siya pinansin, pero after a few seconds, hindi ako makagalaw kasi nga nandun siya, tinanong ko na, "meron ba kayong barbie na china?" [note: alam ko mali yung tanong ko, pinagsisisihan ko na po, dapat inedit ko muna bago ko tinanong. suripu, suripu.] sales guy gets a random barbie box, "ma'am eto po" ako naman, ready to roll my eyes na kasi wala namang nakasulat na "china barbie" siya at hello, gimik-outfit ang suot nung barbie, zure na zure ako na hindi yun china. well, yun nga, hindi ko pa naroroll ang mata ko, sales guy did something interesting.
Thu, 2005-03-03 14:45 — moowagirl

things to do bago ako tuluyang ma-Sisa (in no particular order):

  1. tumira sa probinsya with a little bahay-kubo-looking house na puno ng kahitechan at kagadgetan sa loob. nandun dapat ang server at ang aming munting computer/lufftuff lab na may dsl, syempre.
  2. sumulat ng calculus na libro. as in sarili kong libro ha.
  3. sumulat ng nobela o kahit something na parang ABNKKBSNPLKo (nung high school ko pa gusto gumawa ng nobela eh)
  4. magtayo ng kyoodie store - pens, stickers, stamps at kung anu-anong ka-ekekan at kababawan ng kaligayahan ko.
  5. magturo uli sa college. saan kaya? UA&P? CSB? La Salle Taft? La Salle Lipa?
  6. imarket at pagkakitaan si schoolsolver
  7. magtayo ng paper recycling center
  8. magbungee jumping kasama siya
  9. mag-Diablo II hanggang mapaabot sa highest level si Slayer Gabriella (level 52 pa lang ata sya, at ni hindi ko alam kung saan ang backup nung character kong un)
  10. magpunta sa iba't ibang lugar sa pilipinas kasama si bestpren (bestpren, kahit na nagloloko ang internet explorer mo kaya hindi mo napupuntahan ang blog ko, hello sa iyo... naaalala mo ba ang plano nating magtour once upon a time? :) Tara na! Biyahe tayo! Nang ating makita ang ganda ng Pilipinas, ang galiiii-ing ng Pilipino!
Thu, 2005-01-27 10:31 — moowagirl

•8:24 am: note to self: things to do pag naisubmit na sa cs ang kung ilan mang required bound copies ng you-know-what:
- scrapbook namin!
- magplano!
- mag-aral ng piano
- maglinis ng kwarto
- maghanap ng trabaho
- pumunta sa Marita's at ipamper ang sarili (although nakaplano na rin ito right after ng defense).
- i-overhaul ang design ni gj

speaking of gj, pag naoverhaul ko na ito, dapat mas mahaba na ang blog-happy kids list ko. sa ngayon, eto muna ang mga dapat kong idagdag :
Manang Mona na hindi ko kilala personally, nakasalubong ko lang dahil kay silverjegs
Teta Aquino - ito yung nag-inspire sa akin dati na gumawa ng blog. yung officemate ko kasi dati, binabasa ito during office hours at tawa siya nang tawa. nung pinuntahan ko yung site, aliw nga! sayang nga lang at hindi na ito ina-update.
Alfred the Dreamcatcher na hindi ko rin naman kilala personally, napuntahan ko lang dahil sa link ni yang. i particularly like this entry.

Mon, 2005-01-24 21:04 — moowagirl

kakainis. sana pwede akong pumunta sa liblib na pook, kung saan may pc ako at pwdeng magprogram for 2 weeks na walang distractions, walang ibang dapat gawin, walang ibang poproblemahin kundi program. kahit walang pagkain (para instant diet). matatapos ko ito. matatapos ko ito.

Tue, 2004-11-16 14:25 — moowagirl

nokia 3650. nokia 6600. xplore g88. lifebook. ipod. p900i. t018 and t017 inks. new printer.

the corrs concert dvds. smallville soundtracks. that thing you do soundtrack. scrapbooking stuff.

bag. shoes. body scrub. hot oil. rebond. foot soak and scrub. manicure. pedicure. size 27 low-waist jeans and beige bitin pants. lip balm. creamy lipstick. new wardrobe. watch.

[mood] hopeful
[music] the corrs' intimacy

Mon, 2004-10-25 14:14 — moowagirl

sana katulad ng myspace ang friendster. kaso parang ang OA ng myspace eh. ang tagal magload ng pages. at saka ayoko nang magsimulang magbuild uli ng network sa myspace. so, here's my Sana may Ganito ang Friendster List:

  • sana may blog (pero ayokong magreconstruct ng blogs ko)
  • sana may music, pero ayoko ng intrusive style ng myspace.
  • sana may built-in chat, para hindi na kailangang alamin ang ym or msn or icq or jabber id ng friendster friends mo
  • sana may address book where you can keep track of everybody's email add/contact no/birthday
  • sana may common survey area kung saan pwdeng magsagot ang mga survey-addict friendster friends mo, at hindi nakahalo ang mga sagot nila sa bulletin board mo
  • sana may classifieds and games din tulad ng myspace
  • sana may parang yahoogroups kung saan you can send the same message to a group of friendster friends.

on second thought, sana makagawa na lang ang schoolsolver ng mga ganitong features...

[mood] hungry
[music] mad world

Syndicate content