random thoughts

Thu, 2008-12-11 10:29 — moowagirl
panahon ng kris kringle sa opisina at para sa final gift-giving na worth PHP150, bawat isa ay pinaglista ng wish list (na nakatemplate pa talaga ng excel). heto ang sa akin:
Sun, 2008-05-25 07:06 — moowagirl

A: close pala kayo?
B: of course! achiever eh.
A: helloh? hwag ka na mag-ambisyon. si *name of person na achiever talaga by reputation* lang ang achiever.
B: i'm sorry pero achiever talaga ako, noh.
[hindi na sumagot sa text si A baka may masabi pang evil.]
B (talagang kailangang humirit pa): achiever ako, hindi nga lang sa love. huhuhu. *some other emote text snipped*
A: hayaan mo na kung di ka achiever sa lovelife, hindi naman din halata na achiever ka sa anywhere.

nitwitter ko yan nung isang araw, kaso hindi lumabas eh. baka nakakafilter si twitter ng mga ka-evil-an ko kaya hindi lumabas.
kantahan ko na lang kaya si nagpapanggap/nagfifeeling achiever nito:

The greatest love of all
Is easy to achieve
Learning to love yourself
Is the greatest love of all

o diba, magiging achiever na rin siya somewhere?

Wed, 2007-06-13 13:10 — moowagirl

naks. seryoso nga akong hindi nagblog, ano? pero shempre, matitiis ko ba? hindi ba ako mang-aalipusta? hindi ba ako magrereklamo? hindi ba ako nababadtrip? ako fa?

okay. simulan natin sa huling kabanata. masaya ang huling araw ko bilang bum kasi kinumpleto ko ang yay-yay-feeling ng "first day high," parang first day of school na kumpleto -- bagong damit, bagong bag (babay muna, knapsack), bagong shoes (babay muna, sneakers), bagong medyas (stockings, hekshuli), pati hairband bago (alangan namang magrainbow colored hair accessory ako sa opisina). shempre dapat mukhang seryoso.

so, musta naman ang work? okay naman the first few weeks. feeling ko tumatalino ako kasi marunong na akong gumawa ng database, magmanipulate at magcompute based sa mga data na nasa database, magbasa ng data galing sa csv file para ilagay sa database, mag-output ng mga computations sa web-based application. shempre feeling close na talaga kami ni python. di na lang siya pang-thesis ngayon.

so musta naman ang mga tau-tao? okay naman, dinedeadma ko lang sila. basta ang goal ko lang ay maaccomplish ko yung dapat kong gawin, deadma na sa other people. kung biglang mangamoy pollution ang paligid dahil dumaan ang big boss na nagtatabako, ilabas lang ang berry lotion, maglagay sa kamay, sinhut-singhutin hanggang mawala ang amoy pollution. kung biglang mag-ingay ang mga taglishera people, itwitter lang ang mga quotables nila para may mapagtawanan later, tapos balik uli sa work.

Tue, 2007-03-20 14:24 — moowagirl

2:58 pm, math bldg.

habang nagmimeeting-meeting pa ang mga tau-tao sa paligid-ligid, at hinihintay-hintay ko ang kahihinatnan ng mga chuvalu and chuvaness, sinulatan ko ang likod ng aking nth draft (na pagmimitingan siguro mamaya, ewan ko... bahala na) ng isang blog entry. ito iyon.

sigh. nitong mga huling oras, mga more than 24 hours na siguro, sari-saring moods, damdaming umukilkil, schizophrenia, paranoia, panic mode, deadma mode, bakit-hindi-masungit-kahit-makulit-si-hub mode ang pinagdaanan ko.

kagabi hanggang kaninang madaling araw, panic ang nangibabaw. may question ako kay thesis adviser sa email. naka-chat ko na siya at abot-langit ang panic ko nang tinanong niya ako ng, "ano nga ba yung six?"

Tue, 2007-02-13 06:28 — moowagirl

remember that old strepsils commercial with a guy signalling, and voice over girl tries to guess what the guy wants to say?

"your throat is... painful? ... you want... you want a medicine... that works fast... really fast!"

aaaaah. i need strepsils too!

[mood] sick

Fri, 2007-01-26 16:09 — moowagirl

shempre weird ang araw ko kahapon kaya ganyan ang pamagat ng blog entry.

  • nakalampas kami sa pagkukunang-yaman (atm) at pagtalikod namin, nakasalubong namin ang mga dating kaopisina ko. la lang.
  • parang manipis yung hotcake sa jollibee pancake sandwich (and no, hindi hotcake ang palaman ng tinapay), pag ginalaw-galaw mo, gagalaw nga sila. labo ko. basta, pwede silang pamaypay.
  • pag sakay ko ng bus, mga ilang meters away pa lang, nakita ko yung isang "man in black" na naghahawi ng mga taong dumadaan. may isa pang "man in black" na nasa loob ng building, nakapormang nagtatali ng shoelace pero baka nagdedetonate ng bomb? ewan ko. basta may mukhang abandoned paper bag malapit dun sa atm. cool.
  • di ko maalala kung anong tawag dun sa mga "men in black" kaya ang natext ko tuloy kina ate at hub ay, "may bomb swatter. cool." (naimagine mo bang pampatay ng langaw yung pangdetonate ng bomb?) disclaimer: di ko alam kung ano nga yung insidenteng iyon. may bomb ba or what. umandar na kasi yung bus na sinasakyan ko. alangan namang bumaba pa ako para mag-usi?
  • pag dating sa mrt, nakapila ako dun sa wala-namang-nakalagay-na-exact-fare-only na lane, pero dahil napraning ako, kinaya ng powers ko na maghukay (at magbilang!) ng mga barya para maging eksakto nga ang pamasahe ko. biglang lumingon yung babaeng nakapila sa harap ko.
Wed, 2006-11-22 13:49 — moowagirl

naalis na sa philippine idol si power idol pow chavez. badtrip. meron pa namang dalawa dun na pwedeng maalis, bakit ba si pow pa? humf.

speaking of humf, humf yung movie na the covenant. mas maganda lang nang konti ang effects niya kesa sa omen. pero magkasing boring lang sila. the best pa rin ang sukob sa tatlong "suspense dapat" na movies na napanood ko this year (omen, sukob, the covenant). ang lagay niyan, may negative points na agad ang sukob kasi ayoko sina kris at claudine. pero sige na nga, plus points sa the covenant na cute yung mga guys, pero yun lang. hinayang na hinayang talaga kami ni hub na pinanood namin yun. wala kasi sa plano yun. kakatapos lang namin mag-grocery at dinner, barya-barya na lang ang pera namin nang biglang nagkayayaang manood noong the covenant. (pramis, may tigte-ten peso coins talaga kaming binayad for the tickets). anlagay nun, may kinonsulta pa ako through cel kung ok yung movie. ok naman daw. H U M F! so anyways, kagabi, nakita ko live in person yung kinonsulta ko about the covenant.
ako: lagot ka sa akin! hindi naman maganda yung movie!
siya: saan kayo nanood? sa greenbelt 3?
ako: hindi, sa glorietta 4. humf! humf!
siya: ah, dun sa 120 pesos? kami kasi sa 100 kaya okay lang.

Thu, 2006-11-02 08:21 — moowagirl

was blog hopping again (what else is new??) and i came across this interesting elvis picture. [clarification: i'm not an elvis fan]. what makes it interesting is that it's a post-it mosaic!!! coooooool!!!

post-it mosaic instructions are listed here. i want to try this. someday, someday...
Thu, 2006-10-26 17:31 — moowagirl
  • marunong na raw mag-email at chat si daddy ko. clap clap. a few months from now, baka kasama na si daddy sa mga ipepressure ko para mag-update ng blog niya. hahaha. (oi, daddy, magblog ka na, dali!... hahahaha) takot ko lang. brr. hahaha.
  • trick or treat season na naman para sa mga gremlin pamangkins ko. si muks daw magfi-fairy. ang gagamitin niyang dress ay si flower girl gown niya noong december. hahanapan na lang namin siya ng wand at wings (ate, bakit nga ba wings? butterfly ba?) na babagay kay dress.
  • cheese rings na junk food ang merienda ko kanina kina tutee. grrr. iyon tuloy ang kini-crave ko ngayon.
  • nakapag-experiment na naman ako kung paano pumunta from ayala to rockwell. hindi na walkathon. jeep naman. isang sakay lang, yung ayala-ibabaw. mas matagal siya kesa sa walkathon. hehehe.
  • nung isang araw, naalala ko yung powdered milk (candy ba yun?) na ... uh... nauso noong kabataan ko. basta nakalagay siya sa plastic container (baby's bottle, fanta softdrink, etc.) tapos powder siya na matamis at sinisipsip using the little straw provided na nakaka-ubo pag nasobrahan ka ng sipsip, at nabibili siya sa suking sari-sari store. yum. ano nga bang tawag dun? :)
Fri, 2006-10-13 07:02 — moowagirl

- promised my tutee that "i will be there in 30 minutes"
- naglalakad ako palabas ng village nung isang tutee ko. kung magtataxi na ako from there, baka makarating ako sa rockwell in 10 mins, assuming makakita agad ako ng taxi.
- kung magba-bus naman ako hanggang estrella, at maglalakad papuntang rockwell, baka may mga makasalubong na naman akong mga construction workers na hindi ko maisip kung bakit kailangang mag-"hi" sa mga random na babaeng nakakasalubong nila.
- tanong na matagal-tagal na ring bumabagabag sa akin: gaano kaya katagal lakarin mula ayala hanggang rockwell?

ito yung mga naisip ko kahapon bago ako tuluyang magconduct ng experiment, paglalakad mula ayala hanggang rockwell. (note: hindi ito kakaiba, mahilig naman akong maglakad. mga nalakad na dati: gym to math; tutorial center to philcoa to kamuning; megamall to guadalupe; glorietta to guadalupe) siguro ang kakaiba lang dito sa walking adventure ko kahapon ay time-pressured ako. dapat makarating sa destinasyon in 30 minutes, at kung sakaling mapagod, lumiliit yung chances na isakay ako ng taxi kasi lumalapit ako sa aking malapit lang na destinasyon.

ok. game.

lakad sa likod ng peninsula, lusot sa makati ave, lakad sa may atrium, tawid sa may mandarin (matagal ito kasi go yung mga sasakyan), lakad hanggang dbp, tawid ng buendia (matagal din dito kasi go yung mga sasakyan), tawid ng jupiter, liko dun sa somewhere na dating pinagshortcut-an nung taxi na sinakyan ko. lakad, lakad, lakad. yung mga sasakyan ay lumiliko na para makapunta sa p. burgos, samantalang ako, tuloy pa rin ang lakad dun sa residential area.

Syndicate content