wala pa ring calla lilies. nakalimutan ko na nga na yun pala ang "demand" ko, naalala ko lang ngayon dahil sa pagbabalik-tanaw ko sa mga blog entries ko noong mga nakaraang taon...
maaga kaming nagising - Ama, Inay at Mo. nanood kaming tatlo ng The Big Bang Theory at tawang-tawang-tawa talaga kami. nerd couple talaga. nung attentive pa si Mo, ngumingiti sya pag tumatawa kami. nung medyo restless na sya, kinuha na siya ng kanyang yaya. si Yumi naman ay umiikut-ikot lang sa tiyan ko.
wala pa ring romantic getaway ngayong taon. di bale na. nag-day off ang mga yaya kaya naiwan ulit kaming tatlo para magbonding buong araw. pag tapos na yung download ng Big Bang, nagkukumpul-kumpol ulit kami sa kama, sa harap ng laptop. si Mo, nasa gitna, pilit pinauupo at pinabebehave. si Yumi (o ang tiyan ko) ay nakasandal lamang sa unan. pag wala pang papanoorin, laro muna ang buong pamilya. o kaya tulog.
first anniversary, nakapagsenti sa nsdg, natuwa sa power mac center (bago pa siya noon), kumain sa fusion at muntikan pang manood ng kasal, kasali, kasalo.
second anniversary, nakapag-cookfest at natesting ang induction cooker sa condo dahil home buddies edition ang selebrasyon. cool gadget couple kami noon kasi bago sila asus. nakapagsimba rin naman at nakapagpasalamat sa napagdaanang dalawang taon.
third anniversary na po ngayon. ang bilis talaga ng panahon.
panahon na naman ng pagsesenti. sandaling pagsulyap sa wedding blog, sa blog entry noong 1st anniv, sa mga larawan noong araw na *ahem* super ganda ko (hehehe), pagbalik-tanaw sa mga napagdaanan namin nitong taon...
at shempre, sa pagdiriwang ngayong araw, walang calla lillies. walang engrandeng bakasyon/weekend getaway/tunay na tunay na honeymoon...
subali't...
finally may induction-cooker-compatible uh... cookware na kami kaya ang brunch ay home-cooked chorizo at ang late-lunch-na-dinner-na ay tapa naman. yes. pwede na kaming hindi lumabas ng condo na hindi mamamatay sa gutom. may lutuan na kami at oo-tunay-na-ito na kitchen. woohoow.
at kung hindi pa iyan sweetie, baka ito, masweetihan ka na:
isa sa pinakamasarap na paraan ng pagrelax para sa akin ay ang pagbackfloat. nakatihaya ka lang sa refreshing na swimming pool, gumagaan ang pakiramdam, nakatingin sa magandang kulay ng kalangitan, nakikinig sa malalim na paghinga, mapapapikit at unti-unting makakalimot sa kasalimuotan ng buhay.
nitong nakaraang sabado, nabigyan na naman ako ng pagkakataong makapaglangoy. backfloat galore! iswak na iswak na relaxation ito matapos ang isang semestreng pagpapanic sa uy-natatapos-pala na thesis.
pwede akong makatulog nito...
kinagabihan, nagdesisyon si hub na lumangoy na, sa wakas. shempre, sali ako.
mas masarap pala ang ganito: hhwb. holding hands while backfloating. di naman masyadong mahangin, tamang-tama lang ang init ng tubig (pansol kasi). magaan ang pakiramdam. nakatingin sa mabituing kalangitan. nakikinig sa malalim na paghinga.
kapiling ang iyong pinakamamahal. mapapapikit, unti-unting makakalimot sa kasalimuotan ng buhay, at mapapabulong ng mumunting pasasalamat sa ganitong KILIG moment.
yum, yum, yum. try it!
december na! december na!
happy anniversary sa lahat ng mag-aaniversary this month!
50 PROMISES FOR MARRIAGE by STEVE STEPHENS -->
noong isang araw, may kachat ako. itago na lang natin siya sa pangalang B.I. for blind item. hehehe. napahantong ang aming usapan sa pagkawala ng sweetness dati. yung mga chuvalu na tinetext dati ay napalitan na ng mala-template na "home na." yun lang. wala nang sweetie chuvalu binobola-kita-sana-hindi-mo-mahalata messages.
ewan ko ba. hindi ko maiwasang sumagot ng, "wait til you get married. mawawala na talaga yung text at guessing game na lang kung nasaan na siya."
shempre exag yan.
pero ewan ko ba. hindi naman kasi komo nawala na yung mga sweetie chuvalu at nawalan siya ng oras dahil busy sa kung ano, ay wala na ang (tempted akong itype ang salitang pag-ibig, kaso masyado namang heavy... hahaha) pinagsamahan ninyo.
shempre, once in a while, masarap mag-nag. hindi mo pa ko hinahug todaaaay! o kaya humf! di ka na naman sumasagot sa text!!! o kaya ... sige na, you get the picture. too many to mention ito eh. (ek! from experience ba ito? hahaha). masarap mag-nag, pero minsan masarap din yung feeling na quiet ka lang, iniintindi mo lang yung mga komplikadong dahilan kung bakit hindi siya sumagot sa text, at kung bakit salubong ang kilay niya kanina, at kung bakit parang hindi siya nakikinig sa kuwento mo kahapon at.. stoffit! too many to mention na naman ito. hahaha.



Recent comments
21 weeks 3 days ago
28 weeks 3 days ago
50 weeks 6 days ago
1 year 1 week ago
1 year 2 weeks ago
1 year 6 weeks ago
1 year 10 weeks ago
1 year 10 weeks ago
1 year 10 weeks ago
1 year 11 weeks ago