sumisigaw ka
lahat sila bingi
ayaw mo na
wala silang paki
eto na naman ang tsubibo sa trabaho. paikut-ikot at walang katapusan. sabi mo ayaw mo na. irrelevant experience ang nakukuha mo rito. kahit pa minsan feeling mo tumamatalino ka sa ginagawa mong "rocket arithmetic" sa loob-loob mo'y wala naman itong kahalagahan sa resume mo. pag nag-apply ka sa ibang kumpanya, kurso pa rin ang titignan nila. shet, hindi ka accounting, hindi ka business ad, hindi ka econ. wala kang lugar sa mundo nila (as if!).
so bakit hindi ka na lang magbitiw? hindi pwede kasi naunahan ka na. hindi pwede kasi kelangan mo ng pera. hindi pwede kasi sadyang hindi ka pwedeng lumigaya sa trabaho at isa itong sumpa na dapat mong bathin. for life.
may nakikinig ba sa reklamo mo? may silbi pa bang magreklamo at all?
wala. magblog ka na lang.
three hundred sixty six days from now, i'll be in my thirties. shucks. line of three.
so yeah. i will not feel old today. because i know, 29 is still less than 30. and when i'm thirty, i'll just say 30 is less than 31. yes, teacher, i know my counting numbers.
i know that for any integer k, there will always be a greater integer k+1... so why waste your time feeling old? you'll be older next year anyway. ;-)
so yeah, i will enjoy myself today and the rest of the year. i will make the most out of the three hundred sixty six days i have before i turn 30.
hbd, moowa!
isang buwan na akong hindi nagblog. sabagay, isang buwan na rin nga naman simula nang sabihan kami ni broker na for sale na itong nirerentahan naming tirahan at short term na lang kung sakaling irenew ang contract namin. (at shempre hindi kaya ng powers namin ang bilhin ito .)
gah. stressful isipin na kailangan mong humanap ng matitirhan. ISIP pa lang iyon. iba pa yung aktwal na pagbaybay, pagsuyod sa mga unknown buildings dito sa neighborhood para maghanap ng sulit at maayos na tirahan. iba pa iyon sa aktwal na pag-empake, na shempre'y di pa sinisimulan kasi unknown pa nga kung saan patutungo.
gah. stressful din ang mga huling linggo. masyado kasing suspense ang mga bagay-bagay sa opisina. marerenew ba ako? magpaparenew ba ako? lilipat ba ako ng trabaho? may malilipatan ba ako? magja-jobhunting ba ako? shet! di ko pa nga pala na-update ang resume ko! (major schizo mode, diba?)
buti na lang may bago kaming toy, na talaga nga namang stressful. masyado kasing pisikal. sino sya?
si wii!
actually, kaya ata isang buwan na akong walang blog update ay dahil si wii ang salarin. hehehe. di bale. at least, naunlock na namin yung mga characters sa naruto... yay! gaara! yay! orochimaru! yay!
caution: ang mga sumusunod ay hango sa tunay na buhay at hindi (ano ang nasa dako paroon) bunga ng malikot na pag-iisip, likha ng balintataw, o halaw sa isang uri ng kababalaghan, di kayang ipaliwanag, ngunit alam mong nagaganap...
dear tita charo,
sa ikalawang pagkakataon, nakita ko na lamang ang aking sarili na sumasagot sa tanong na, "paano basahin yan?" hindi naman mind-bending yung sagot. kelangan lang mag-inhale, exhale, gamitin ang yes-i'm-tutoring-a-grade-school-student teacher voice at sabihin (habang itinuturo ang mga grupo ng numero), "hundreds... thousands... millions... billions... trillions"
kaso nga lang, hindi ako nagtututor. office setting talaga. pramis. kahit ilang beses pa akong magpikit-dilat.
grabe na itetch. sana may power akong idement ang mga ganitong taong natatakot gamitin, kahit katiting lang, ang kanilang baka-kasinlaki-ng-epsilon na utak. baka natatakot magasgasan at tuluyang maubos.
pero, tita charo, pwede mo bang ipaliwanag sa akin... what the hell are they doing in a financial institution if they cant even READ a big number? trillions pa lang yan ha!
love,
moowagirl.
anong gagawin mo kung may nakita kang limangdaang pisong kawawang naiwan sa sahig ng greenbelt?
a. pulutin at ibulsa kaagad-agad, faster than a speeding bullet, tapos itreat ang sarili dahil may karagdagang pera at hindi mo ito pinaghirapan, woohoow!
b. deadma dahil takot na ma-karma
c. kunin ito at ibigay sa kinauukulan (yeah right)
d. magsisi dahil delayed reaction
so anyway...
kahapon, naglalakad kami sa may greenbelt nang... lo and behold! may nakatuping limangdaang pisong nakakalat sa sahig! kakalabitin ko pa lang si hub nang biglang pinulot ito ng kasalubong namin at obviously hindi naman iyon sa kanya. cool na cool pa ang pagpulot niya kasi para bang kanya talaga yung pera. pulot, lagay sa bulsa. so fast.
nasuwertehan si hub din sa tao, limangdaang piso nga naman iyon. sabi ko, nakita ko muna yung pera, bago pa pulutin nung tao. so bakit ko nga ba hindi kinuha? bakit nga ba hindi pagpulot ang unang reflex ko sa nakakalat na pera na hindi akin? bakit nga ba pagkalabit kay hub ang una kong naisip gawin?
shempre kung magrereflect ako at irereplay ko sa isip ko kung ano kaya ang ginawa ko kung wala si faster-than-a-speeding-bullet-finders-keepers man? siguro hindi ko pa rin pupulutin. sasabihin ko malamang kay hub. or worse, kung mag-isa lang ako, siguro iiwan ko pa rin yun na nakakalat sa sahig. bakit? ewan. takot siguro ako sa karma. siguro pag may mga too good to be true na bagay-bagay sa paligid ko, siguro'y mas kinikilingan ko ang pagiging deadma, kesa sunggaban ang oportunidad at magsisi later dahil baka mas malaki ang mawala sa akin. shet. bakit ba ako takot na takot sa karma?
yes. umaatake na naman ang aking sungit powers, pero hindi lang talaga ako makapagtimpi. tanungin ka ba naman ng iisang tao ng "paano ba magprogram?", "paano ba magdatabase?" at "paano ba gumawa ng website?" all in one afternoon, with that hey-look-at-me-i'm-almighty-and-all-moron accent, eh, ewan ko na lang.
nung una, friendly pa ako. sinasabi ko sa kanya na kailangan malaman muna niya kung anong purpose nya sa "website" na gusto niyang gawin. gusto ba niya viewable lang ng pc nya? mag-microsoft frontpage na lang siya. hindi raw. gusto niya viewable ng lahat. okay. eh di mag-geocities siya. eh pano raw kung gusto niya ng may database? okay, sabi ko may mga site na nag-ooffer ng space para dun niya i-host yung database niya. eh panu raw kung gusto niya yung mala-opac. [dahil sa generation gap, i had to clarify kung ang opac ba ay yung web-based library catalog, not the old-fashioned green-lang-ang-kulay-ng-screen nung panahon ko]. oo web based daw. sabi ko. okay. you need a pc na dun naka-house ang database, dun nagra-run yung web server at dapat viewable sa labas. dinamihan ko na yung jargon para maturn-off. at bago pa siya makapagbato ng follow-up question, sabi ko, kahit ako hindi ako makakaset up ng web server. kailangan nya ng sys ad para dun.
ngayon lang ako gumawa ng online resume. grabe, todo na (siguro) ito. jobhunting mode na po ang bummer/scholar/wifey na ito. alam ko hindi ako dapat magmadali, kailangan kong isipin kung anong trabaho ba ang gusto kong hanapin at kung saan talaga ako magiging masaya. para naman maminimize na ang palipat-lipat blues.
step 1. gumawa ng account. okay. kayang-kaya.
step 2. upload your resume. yup, meron na akong file dito. paano ko na lang iuupload nga diba?... but no! kelangang maglagay ng resume title. sabi pa nya,
Your resume title should clearly explain your career goal or career objective. It is recommended that you state what you want (and are qualified) to do.
ugh. state what you want. ang hirap naman. nuninu... (ayan, natempt tuloy akong magblog.)
[mood] jobhunting-mode and worried dahil wala pang graduation dress
may binabasa akong financial math book at sabi ng libro,
Assumption 1.6 (No-Arbitrage Principle)
There is no admissible portfolio with initial value V(0) = 0 such that V(1) > 0
with non-zero probability.
where V(t) is the wealth of an investor (value of a portfolio) at time t. ibig sabihin lang, the market does not allow risk-free profits with no initial investments.
i paused, digesting this concept, when the harsh tagalog translation hit me: HINDI KA PWEDENG YUMAMAN KUNG WALA KANG PERA.
awwww....
"fragile,"
"handle with care,"
sabi ng box
kaya naman todo-ingat
ang ginagawa sa fragile contents
pinanganak tayong
walang box na nagsasabing,
"fragile," "handle with care,"
o di kaya'y
"this side up"
(kaya siguro lagi tayong hilo)
walang instruction manual
walang downloadable installer
walang spyware, walang updates
at mas lalo namang walang money-back guarantee
pwedeng sa isang iglap,
walang early warning device,
walang forecast ng pag-asa o philvolcs,
bigla na lang tayong masira
maputukan ng vein, mabalda
tubuan ng tumor, masagasaan
magmalfunction ang puso
buti na lang at sa Manufacturer
ang ating huling hantungan
[mood] fragile
hindi ko siya naging teacher noong undergrad ako. lalo naman noong masters kasi actuarial subjects ang tinuturo niya. a quick google search informed me that she taught at University of New South Wales, Sydney, Australia after her teaching stint at the UP Diliman Math Department.
dahil nga hindi ko siya naging teacher, hindi kami close. and i'm sure hindi niya ako kilala. gayumpaman, kung magbabalik-tanaw ako, malaki rin pala ang naging impact niya sa akin.
noong gumradweyt ako ng undergrad, nagsalita siya sa aming graduation (college of science), bilang isang bagong PhD grad. inspiring yung story niya - yung mga paghihirap at pagtutulungan nilang mag-asawa sa pagtaguyod ng kanilang sinisimulang pamilya, habang nagdo-doctorate si ma'am.
malumanay pa man ding magsalita si ma'am, kaya naman namnam na namnam ko yung mga sinabi niya. (i remember her acknowledging her husband's presence then saying 'shy' daw yung husband niya... 'shy tagaluto, shy tagalaba...') ;-)
isa siguro yung speech niya na nagpamulat sa akin na, "shet! graduate na ako pero bakit parang wala akong natutunan?" kaya naman pag-uwi ko noon, nagmuni-muni talaga ako kung kaya ko kayang magmasters? ganoon ako naispire sa kanya. (disclaimer: hindi ko siya sinisisi ha... hehe).
Recent comments
22 weeks 1 day ago
29 weeks 2 days ago
51 weeks 5 days ago
1 year 2 weeks ago
1 year 3 weeks ago
1 year 7 weeks ago
1 year 11 weeks ago
1 year 11 weeks ago
1 year 11 weeks ago
1 year 11 weeks ago