first anniversary, nakapagsenti sa nsdg, natuwa sa power mac center (bago pa siya noon), kumain sa fusion at muntikan pang manood ng kasal, kasali, kasalo.
second anniversary, nakapag-cookfest at natesting ang induction cooker sa condo dahil home buddies edition ang selebrasyon. cool gadget couple kami noon kasi bago sila asus. nakapagsimba rin naman at nakapagpasalamat sa napagdaanang dalawang taon.
third anniversary na po ngayon. ang bilis talaga ng panahon.
ano nga ba ang kakaiba ngayong paskong ina na ako?
una, ang saya gumawa ng gift tags! pinagsuot namin ng santa costume si mo one morning (habang alert, alive, awake, enthusiastic pa siya) at nagpicture-picture. ginawa kong digital scrapbook-style ang gift tag at pina-print sa netopia. mas masarap tuloy mamigay ng regalo, knowing na napapangiti (at nanggigigil) ang mga receiver ng regalo dahil sa cute na cute na picture ni mo sa gift tag.
matapos ang binyag, officially pwede nang maglakwatsa si Mo. una sa listahan ay ang makapagpicture taking si Mo sa the fort (sa dahilang alam nyo na). as in kailangan, yung merong sign na the fort. si popsie ang dakilang driver (no, hindi siya kasali sa dakilang series) at habang nagmamaneho'y medyo nag-aalinlangan sa mga twists and turns ng mga kalye sa taguig. pag daan sa may nbc tent, heto ang usapan sa kotse:
popsie: san ba yong the fort?
momsie: malapit na rito yun, kasi ito na yung the tent.
family: wahahahaha!
ayan, alam nyo na kung saan nanggaling ang kakornihan ko.
A: so ano na'ng ipapangalan natin kay Mo?
B: the fourth
A: eh pano yun kung lalaki yung susunod natin, e di dapat the fifth?
B: hindi, the eighth. byte ang nickname.
A *pabulong, nagrereview ng exponents* : two to the one... two squared... two cubed...
A *gulat, hindi na pabulong*: dakila byte?
A & B: wahahaha!

yeah, yeah. malapit nang maging preggy chronicles blog itong si dukha, pero hindi ko matiis. i need to blog this. i do! i do!
first off. had an ultrasound a few weeks ago and we found out Mo's gender (teka, pikit ka muna kung gusto mong masuspense kung babae o lalaki si Mo.) we were expecting a girl because (a) sabi ng manghuhula (b) napanaginipan ni daddy na girl ang baby ko (c) slip of the tongue ni ama, "ineng" daw si baby (d) all of the above. kaya naman, nagulat kami na sinabi ni friendly sonologist. na boy si Mo, (and sorry baby girls, strict ang parents ni Mo.) ang saya-saya ni hub. i've never seen him so happy and excited. kahit tignan mo pa lahat ng wedding pictures, o kahit pagsentihan ko yung expression niya noong nagets nya yung mahiwagang sagot almost ten years ago, wala siyang ganoong ngiti/mukha. i took a mental picture of his expression. priceless talaga. we're having a baby boy! woohoow!
wednesday night, we watched iron man. (talo ka, batman.) sometime during the movie, i was feeling some movements in my tummy and since the movements were somewhat rhythmic, nadecide-an ko talaga na si Mo iyon. hindi gas, hindi gutom-grumble (hey, may kinakain akong chicken breast fillet at that time). basta, parang tumitibok or sinisinok. natuwa naman ako. shempre, gusto kong ishare yung moment kay hub. nilagay ko ang kamay niya sa tiyan ko, at medyo nahiya rin ako kasi baka biglang tumigil yung movements ni Mo.
a copy and paste blog entry brought to you by ym and swoosh's chat archive. swoosh's... swoosh's... parang tongue twister na sound effects ng sorceress sa diablo. some parts were edited...hehehe.
chat logs on 11/1/2006, 12:42am :
me: nandito ang mga friends sa bahay eh
me: nang-imbita ako... kaso [insert long story here]... so medyo kadarating ko lang 1 hr ago
me: eh 3:30 pa sila nandito
swoosh: ibblog mo ba ung long story inserts?
me: hindi. tinatamad ako eh
me: pero sige kwento ko sa iyo
me: tapos copy and paste ko sa blog
swoosh: hahaha
me: ganito kasi yon, ate charo....
swoosh: pati reaction ko isasama mo?
me: hahaha
me: nag-imbita nga kasi ako ng mga friends para mag-overnight ngayon
me: tapos kanina/kahapon ng umaga, nadiscover ni rrargh na half day pala sila tapos sina hub din
me: so mas maaga ang pagdating dito ni rrargh
me: 2:30 ako pumunta ng tapa king para bumili ng lunch, nandito na nun si rrargh
me: sorry ha, blog entry ito kaya pati mga unnecessary kwento, kasali. hehehe
me: tapos, mga 3 something, naubos ko na yung tapa king food, kalulunok-lunok lang ng huling subo nang biglang
swoosh: yehey kasali ako sa blog entry
me: tin-tinin-ninin... tin-tin-tin (to the tune of superman theme), cellfone ko ay nagring
tuesday ng umaga last week, nagising ako sa text ni ate. manonood daw sila ng sine ni mommy at pinasasama ako. may test ako kinabukasan, pero ang kj naman kung ang isasagot ko ay, "hindi ako pwede kasi may test ako bukas." kaya naman, nag-usyoso muna ako. tinanong ko, "anong movie?"
"you are d one" sagot nya.
ayos! hindi ko na kailangan ang kj na reply. agad kong sinagot ang makapagbagbagdamdaming, "kayo na lang. ayoko si toni gonzaga." dahil hindi naman ako matiis nila ate, shempre ibang movie na lang ang pinanood namin. hehehe. devil wears prada. tsaka nadelay pa yung panonood namin, kaya sakto lang na tapos na akong mag-exam noong manood kami ng sine.
friday ng hapon last week, nasa national bookstore ako nang magtext si eds. manonood daw sila ng sine ni chudit at nag-iimbita pa ng mga makakasama. movie raw ni sam milby ang papanoorin. agad akong nagreply ng makapagbagbagdamdamin, makapigil-hininga at how-i-wish-pwedeng-magtext-in-red-font na, "AYOKO SI TONI GONZAGA." sorry eds, na-all caps ka tuloy.
hehehe.
makalipas ang ilang oras, nagluluto ako ng squishable pusit nang biglang nagtext si swoosh. gusto ko raw ba sumama sa kanilang tatlo nila eds and chudit sa sam milby movie. sabi ko na lang ipaforward niya kay eds yung reply ko. di ko feel mag-all caps noon...masyado akong naaliw na pinapaliguan ko sina squishable pusit para magviolent reaction. (nakaligtas ka sa kamandag ng all caps, swoosh!)
ito pa yung ibang handa, hehehe.
Recent comments
21 weeks 11 hours ago
28 weeks 1 day ago
50 weeks 3 days ago
1 year 1 week ago
1 year 2 weeks ago
1 year 6 weeks ago
1 year 9 weeks ago
1 year 9 weeks ago
1 year 9 weeks ago
1 year 10 weeks ago