an experiment: from ayala to rockwell

Fri, 2006-10-13 07:02 — moowagirl

- promised my tutee that "i will be there in 30 minutes"
- naglalakad ako palabas ng village nung isang tutee ko. kung magtataxi na ako from there, baka makarating ako sa rockwell in 10 mins, assuming makakita agad ako ng taxi.
- kung magba-bus naman ako hanggang estrella, at maglalakad papuntang rockwell, baka may mga makasalubong na naman akong mga construction workers na hindi ko maisip kung bakit kailangang mag-"hi" sa mga random na babaeng nakakasalubong nila.
- tanong na matagal-tagal na ring bumabagabag sa akin: gaano kaya katagal lakarin mula ayala hanggang rockwell?

ito yung mga naisip ko kahapon bago ako tuluyang magconduct ng experiment, paglalakad mula ayala hanggang rockwell. (note: hindi ito kakaiba, mahilig naman akong maglakad. mga nalakad na dati: gym to math; tutorial center to philcoa to kamuning; megamall to guadalupe; glorietta to guadalupe) siguro ang kakaiba lang dito sa walking adventure ko kahapon ay time-pressured ako. dapat makarating sa destinasyon in 30 minutes, at kung sakaling mapagod, lumiliit yung chances na isakay ako ng taxi kasi lumalapit ako sa aking malapit lang na destinasyon.

ok. game.

lakad sa likod ng peninsula, lusot sa makati ave, lakad sa may atrium, tawid sa may mandarin (matagal ito kasi go yung mga sasakyan), lakad hanggang dbp, tawid ng buendia (matagal din dito kasi go yung mga sasakyan), tawid ng jupiter, liko dun sa somewhere na dating pinagshortcut-an nung taxi na sinakyan ko. lakad, lakad, lakad. yung mga sasakyan ay lumiliko na para makapunta sa p. burgos, samantalang ako, tuloy pa rin ang lakad dun sa residential area.

bigla na lang akong may nakitang INC kapilya. wow! wow! dito nakatira somewhere here sina kuting at bibi! hehehe.

tapos tuloy pa rin ang lakad sa may kalayaan avenue, tapos liko sa likod ng ateneo, tapos ayun na, building na nung tirahan ng tutee ko. 28 minutes.