10:30 nang umaga, himalang naalala na dapat i-thaw yung meat kaya inilabas ito mula sa freezer.
11:50, biglang nagulantang dahil nakalimutang imarinate ang medyo-kanina-pa-thawed na meat. pressure naman ito. malapit nang umuwi si hub for lunch. nuninu...
wifi sa googletalk: lagot! hindi ko nababad! pwede kayang oyster sauce lang ito?
hub: pwede naman siguro.
agad na kumonsulta si wifi sa kanyang cookbook na pinamagatang "The 20-minute cookbook" (naks, talagang para sa mga time-pressured ito).
cool naman kasi 10 minutes lang ibinabad ang pork cutlet strips sa toyo at cornstarch. tapos stir-fry galore na. medyo nagtubig si pork nung mainitan kaya parang hindi sya stir-fry...(umoo ka na lang) nung medyo wala na yung mga excess water, nilagyan na ng oyster sauce at kaunting sugar.
okay naman siya. parang ulam. edible pa! hehehe.
next adventure: stir-fried mixed veggies. ibablog ko yun pag nai-sync ko na si treogirl for the pic.
[mood] experimental
Comments
to comment or not to comment... :))
magcocomment sana ako, kaso wala pa nga pala ung egroup blip party email update... waaah!!! :p hehe.. kaya pinadala ko nalang sa individual email addresses nyo.. (impatient mode!).. anyhow, pwede mo na dalhin to sa potluck.. hehe :)